PAG-IBIG.
INIYAK-IYAKAN KAPA TAPOS SA HULI, IIWAN KA RIN LANG PALA. TODO DRAMA PA SAYO NA “HINDING-HINDI KITA IIWAN” TAPOS MAWAWALA NALANG PALA NA PARANG BULA. NI PAALAM, WALA. BASTA KA NALANG IIWAN. TAPOS BABALIK SAYO NA PARANG WALANG NANGYARI? GAGO BA U? KUNG IIWAN MO RIN LANG PALA, EDI SANA NUNG UNA PALANG, HINDI KA NA NAGPAKITA NG MOTIBO. EDI SANA NUNG UNA PALANG, HINDI MO NA SIYA MINAHAL. EDI SANA NUNG UNA PALANG, TINAGO MO NA YUNG NARARAMDAMAN MO SAKANYA. ‘WAG KANG PAASA. MINAHAL KA NGA NIYA EH, NAGING TAPAT SAYO’T LAHAT-LAHAT, TAPOS GAGANYANIN MO LANG? BASURA LANG ANG TRATO? ‘WAG GANUN! KAHIT PAPAANO, BIGYAN MO NAMAN NG RESPETO YUNG NAGMAMAHAL SAYO. ANG PROBLEMA KASI SA PAG-IBIG, PANAY SALITA LANG, HINDI NAMAN MAPANINDIGAN. PANGAKO DITO, PANGAKO DOON. AYUN, NAGKA-PAKO PAKO. KUNG MAGMAMAHAL KA, MAGMAHAL KA NG TAMA. MAGMAHAL KA NG PATAS. KUMBAGA, MAGING CONSISTENT KA. ‘WAG YUNG TODO EFFORT KA SA SIMULA, TAPOS SA HULI, SIYA NALANG YUNG GUMAGAWA. SA HULI, IISA NALANG YUNG NAGMAMAHAL. ‘WAG KANG SAKIM. EH KAYA NGA NAGING KAYO PARA MAGTULUNGAN NA MAGING MAS MABUTING TAO EH. HINDI MAS PASAMAIN PA ITO.
Kung lalake ako...
- HINDI AKO MAGPAPAASA NG BABAE. HINDI KO IPAPARAMDAM SAKANYANG IMPORTANTE SIYA UNLESS MAY BALAK AKONG MAHALIN SIYA.
- HINDI KO HAHAYAANG MAKASAKIT NG IBA DAHIL SARILI KO LANG ANG INIISIP KO.
- LAGI AKONG MAGPAPAALAM SA GIRLFRIEND KO KUNG MAY LAKAD AKO, AT MAGIGING TAPAT AKO SAKANYA. MAAARING MAGANDAHAN AKO SA IBANG BABAE, PERO ALAM KONG ANG GIRLFRIEND KO ANG PINAKAMAGANDA SAKANILANG LAHAT.
- KUNG MAY IBANG BABAE MANG LUMANDI SAKIN, AGAD-AGAD KONG SASABIHING “TEKA, TAKEN NA AKO.” KUNG HINDI PA RIN SILA NAGPAPAAWAT, HAHALIKAN KO MISMO SA HARAP NILA ANG GIRLFRIEND KO (PERO SMACK LANG, WAG TORRID KASI NIRERESPETO KO PA RIN SIYA).
- LAGI KONG RERESPETUHIN ANG BABAENG MAMAHALIN KO, PATI ANG PAMILYA’T MGA KAIBIGAN NIYA.
- BIBIGYAN KO NG ORAS ANG GIRLFRIEND KO, KAHIT GAANO PA KA-BUSY ANG SCHEDULE KO.
- ARAW-ARAW KO SIYANG LILIGAWAN. KAHIT MAG-ASAWA NA KAMI (KUNG SAKALI MAGKATULUYAN)
- MAGIGING LAYUNIN KO ARAW-ARAW ANG PANATILIHIN ANG NGITI SA KANYANG MGA LABI. AKO ANG MAGIGING DAHILAN KUNG BAKIT SIYA MASAYA LAGI. :D
- TUWING LINGGO, O KAHIT WEEKDAYS, BASTA MAY ORAS, SASAMAHAN KO SIYA SA SIMBAHAN, AT MAGDADASAL KAMI (HINDI LANG PARA MAHAWAKAN ANG KAMAY NIYA TUWING “AMA NAMIN”, PERO KASAMA NA YUN HEHEHE)
- IINTINDIHIN KO SIYA SA ABOT NG AKING MAKAKAYA. KUNG MAGKAMALI MAN SIYA, KAKAYANIN KONG PATAWARIN SIYA, DAHIL ALAM KONG GAGAWIN KO RIN ANG LAHAT PARA HINDI SIYA MASAKTAN.
- KUNG LALAKE AKO, SISIGURADUHIN KONG (KUNG HINDI MAN PERPEKTO) MAGING ALMOST PERFECT ANG RELASYON NAMING DALAWA. :)
TO ALL THE GIRLS WHO’S HURTING OUT THERE…
I KNOW IT’S NOT GONNA BE EASY TO RECOVER FROM THE PAIN, BUT I’LL TELL YOU THIS, YOU CAN DO IT. YOU’RE TELLING ME THAT IT’S ONLY EASY TO SAY, BUT HARD TO DO. NO. DON’T ALLOW YOURSELF TO FEEL THAT WAY. CONSTANTLY REMIND YOURSELF THAT YOU’RE STRONG, AND YOU WILL BE HAPPY. YOU’RE NOT ALONE, AND I’M PRETTY SURE, THERE ARE A WHOLE LOT OF HAPPINESS THAT’S IN STORE FOR YOU.
NOW WIPE THOSE TEARS OFF YOUR FACE AND SMILE, BECAUSE I KNOW SOMEBODY IS OUT THERE, WAITING TO SEE THAT SMILE AND FALLS INLOVE WITH YOU EVERYTIME.
Limang pag subok sa pag mamahal.
Time Test - Gaano ba katagal ang pagmamahalan niyo? Gaano ba katagal ang nararamdaman niyo sa isat-isa? Tatagal ba ito ng linggo? buwan ? taon? Hanggang kailan kayo magiging sweet sa isat-isa? Kapag nakuha mo ba ang gusto mo sa isang tao eh ganun katagal pa rin ba kahigpit ang pagmamahal na ibibigay mo sa kanya?
Distance Test - mahal mo pa rin ba siya kung sakaling malayo siya sayo? mahal mo pa rin ba kung sakaling bigla kayong magkahiwalay dahil kailangan mag ibang bansa ng isa, o kaya naman bigla kayong magkakalayo sa isat-isa dahil may mga pangyayaring hindi inaasahan sa inyong dalawa, hanggang saan at gaano kalayo ang aabutin ng inyong pagmamahalan?
Freedom Test - gaano mo siya kayang tanggapin? hindi ba dapat eh wala kang pinapakealaman sa kanya? Kung totoong may faith ka sa kanya, papatong sa isip mo ang “Kahit ano man ang gawin niya, sino man ang kasama niya, sigurado akong sa akin pa rin ang bagsak niya.”
Growth Test - dito naman ang respeto sa isat-isa na binibigay para maging mas mature ang isang tao, ito ang pagsubok na binibigay para maging open sa bagay bagay at maging mas mature ang isip ng dalawang magkasintahan, kung parehas kayong parang bata sa relasyon niyo, walang mangyayari sa inyo. Bakit hindi ka kumuha ng baby sitter kung kayong dalawa eh bata bata pa. Dapat laging may mature at sigurado akong madadala mo ang partner mo dahil sa pinapakita mong ugali mo. Kailangan ng isang tao na didisiplina sa isang taong nangangailangan ng disipilina. Kailangan ng sapat na oras dito para malamapasan.
Sacrifice Test - handa mo bang ibigay ang sarili mo sa taong mahal mo? handa ka bang ialay ang buhay mo sa kanya bilang isang kasintahan o kaya naman asawa? Kaya mo bang bitawan ang mga bagay na importante sayo pero kailangan mong bitawan para maituloy ang pagmamahalan? May mga tao ka bang handang iwan para sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mong ialay? Gaano kahaba ang pasensyang ibibigay? Masasabi mo bang martyr ka kung ikaw lang ang nagmamahal at nagbibigay ng sakripisyo? Hindi natin alam.. Ibat-iba kasi tayo ng estilo ng pagmamahal at pagbibigay ng sakripisyo, ibat-iba ang mundong ating ginagalawan, ang mga taong nakakapaligid satin, mga taong nakakaimpluwensya sa atin.
Pasukan na naman.
- Tandaan mong may baon ka na ulet.
- Tandaan mo na makikita mo na ulet ang crush mo.
- Tandaan mo na may mga bago kang makikilala na kaibigan.
- Tandaan mong masarap matuto lalo nat hindi ikaw ang nagpapaaral sa sarili mo kundi ang magulang mo.
- Tandaan mong hindi lahat ng taong katulad mo eh nakakapagaral. Tandaan mo na isa ka sa mga swerteng bata na nakakapagaral sa hirap ng buhay ngayon.
- Kapag pumapasok ka sa eskwelahan, maari kang makipagsabayan sa usapan ng ilang nakakatanda dahil sa may nalalaman ka sa paksa na yun.
- Ma eehersisyo na ulit ang iyong utak.
- May tiyansa ka na namang taasan ang grade mo at humiling ng bagong gadgets sa magulang mo.
- Tandaan mo na ayan lang ang tanging kasiyahan na maibibigay mo sa magulang mo, ang makakuha ng magagandang marka. Kaya ibigay mo ito. Ibinigay nila sayo ang pang tuition, kaya ibigay mo yung grade na gusto nila.
Ang puso ay patuloy na titibok, at patuloy na magmamahal.
Dahil sa oras na subukan mong pigilan ang pagtibok nito, ito ang magiging dahilan ng iyong kamatayan. At subukan mong pigilan ang pagmamahal, ito naman ang magiging dahilan ng pagiging malungkot mo at mararanasan mo na masaktan. Tao lang tayo, nagmamahal at hindi natin maaring pigilan ang pagka gusto natin sa isang tao, syempre maaring nahanap natin sa kanya yung mga katangian na matagal na nating nakikita. Kaya hindi imposibleng hindi talaga titibok at hindi mapapamahal ang puso mo dito.
Kung nasasaktan ka, hayaan mo lang. Nagmamahal ka eh. Pero dapat alam mo dapat kung may pag-asa ka ba. Kasi kung patuloy kang maghihintay sa wala eh mapag-iiwanan ka ng panahon na puro dalamhati na lang ang ibinibigay mo sa buhay mo.
Alamin mo dapat ang limitasyon ng pagbibigay mo ng pagmamahal sa isang tao. Maging praktikal ka na. Iba na ang henerasyon natin ngayon.